Nalaman ni Devon na hindi sya titira sa bahay ng mga Reid. Titira sya sa condo ni James. Malapit lang naman ito sa bahay ng mga Reid kaya walang problema.
Sa harap ng mga magulang ni James, maayos ang pakikitungo ng binata sa dalaga. Pero biglang nag-iba ito nung nakarating sila sa condo. Ibinagsak bigla ni James ang maleta ni Devon pagpasok nila sa condo. Hindi na sila hinatid pa hanggang loob para raw makapag-usap at magkakilala daw ng maayos ang dalawa. "I don't care who you are. I am doing this for my family, so don't expect me to love you," galit na sabi ni James. Si Devon naman ay nalilito kung bakit ganoon na lang kalaki ang galit ni James sa kanya. Dahil sa hiya ay nanahimik na lang si Devon. "And don't expect to sleep in the same room with me. You'll stay in the guestroom. Oh, and by the way, I already have a girlfriend, so don't act as if you own me," ang sabi ni James at pumasok na ito sa kwarto nya. Huminga ng malalim si Devon bago ipasok ang maleta nya sa guest room na itinuro ni James. Iniayos nya ang mga gamit nya, pati na rin ang mga bagong gamit na bigay sa kanya ng mga Reid. Binigyan sya ng bagong laptop ng mga magulang ni James. Curling iron naman ang nattangap nyang regalo mula kay Carina. At kwintas naman mula kay James. Birthday nya kasi ngayon. Pero hindi nya inaakala na ito na pala ang pinaka-malungkot nyang birthday. "Happy 19th birthday to me," bulong nya sa sarili.
Kinabukasan ay maagang nagising si Devon. Naligo na sya at nagbihis dahil ngayon ang unang araw nya sa paaralan ni James. One hour pa bago sila umalis pero nakahanda na si Devon. Nagluto rin sya ng agahan para sa kanya at sa 'fiancee' nya. Saktong pagkahanda nya ng pagkain ay lumabos ng kwarto si James. Halatang bagong ligo ito dahil basa ang buhok. Umupo ito at kumain ng walang kahit anong salita na sinabi kay Devon. Si Devon din ay kumain ng tahimik. Nagulat silang pareho at halos mahulog sa kinauupuan si Devon ng marinig nya ang teleponong tumunog. Tumayo si Devon para sagutin ang telepono. "Hello," narinig ni Devon ang boses ng isang babae. "Hello. Who is this?" tanong ni Devon. "This is Ann Li, James' girlfriend. Who are you?" tanong ng babae sa kabilang linya. "Wait a minute," ang tanging nasabi ni Devon. Nilapag nya ang telepono at lumapit kay James. "Phone call for you. Someone named Ann Li," sabi ni Devon sa mahinang boses. Nagmamadaling tumayo si James sa kinauupuan at kinuha ang telepono. "It's the first time I heard him laugh," isip ni Devon. "Siguro yun yung girlfriend nya," isip ni Devon. Nakita ni Devon na naubos ni James ang hinanda nyang pagkain. Napangiti sya. Niligpit nya ang pinagkainan nila. Matapos nyang maghugas ay eksakto naman na ibinaba ni James ang telepono. "Hurry up, we're going to be late for school," sabi ni James. Nagmadali sa Devon sa takot na iwan sya ni James. Sumakay si Devon sa sasakyan ng pamilya ni James. Nakilala nya ang driver kagabi. Ang pangalan nya ay Thomas. Matanda na ang driver nila. "Good morning Ms. Devon," bati sa kanya ng driver. "Good morning sir Thomas," bati ni Devon sa driver na may kasamang ngiti. Naupo sya sa tabi ni James, nakatingin sya sa may bintana. "Ganda pala talaga ng Australia," bulong ni Devon. Napalingon si James sa kanya. Kahit paano naman ay nakakaintindi si James ng tagalog. "Her smile is pretty," isip ni James. "But I can't pity her. She's the one whose going to ruin my life," isip nya. At iniiwas nya ang tingin kay Devon.
bakit james, ginusto ba ni devon na makasal sayo? huh! tignan lang natin kung sino ang unang maiinlove..haha
ReplyDeletegrabe naman si james d2...hmmmpp...cge lang devz tyaga lang..dahil sa pagmamahal mo sa family mo kaya ka nasa lugar na yan..ipakita mo na "you dont care also" andami kaya jan boylets...lol..pagselosin mo!!
ReplyDeletetnx sa update sana may update lagi!!God bless you!!
nice story exciting abangan kung p2no la2bas ang feling ni james kay drvon...goodluck
ReplyDelete