"What!? Arrange marriage!?" sigaw ni Devon. Ibinalita kasi sa kanya ng mama nya na ipapakasal sya sa lalaking di nya kilala, ngayong labing-walong taon gulang na sya. Siya si Devon Seron. Ang pamlya nya ay kilala sa larangan ng negosyo at maraming bagay. "Yes. Anak sya ng best friend ko. Napag-usapan na namin ito nung high school kami. Nakapangako na ako," ani ng ina ni Devon na si Shaina. "Ganun na lang ba kadali para sa'yo na sirain ang buhay ko ma? Dahil sa isang promise maraming taon na ang nakalipas? Malamang nakalimutan na yun ng bestfriend mo ma!" sabi ni Devon. "No. Kakatawag nga lang nya sa akin. Nakausap na daw nya ang anak nyang si James at pumayag na ito," sabi ni Shaina. "Malamang pangit yun kya madaling napapayag. Malamang walang love life," isip ni Devon. Di na lang nya sinabi dahil alam nyang pagagalitan lang sya ng ina nya. Wala na lang syang sinabi at nagdabog na lang sya pabalik sa kwarto nya.
Sa Australia naman, may isang lalaki na nagiisip. "Arrange marriage....," bulong nya sa hangin. Alam nya na isa sa tungkulin nya bilang nakakatandang lalaki sa pamilya niya ay pakasalan ang babaeng may yaman at kapangyarihan para lumago ang negosyo nila. Hindi pa nya nakikilala kahit isang beses ang mapapangasawa nya. Ni hindi pa nga nya nakita ang hitsura nito. Ang alam lang nya ay ang pangalan nito. "Devon Seron....." bulong nya ulit sa hangin. Kumunot ang noo ng binata. Alam naman kasi ng mga magulang nya na nasa issang relasyon sya. Ann ang pangalan ng girlfriend nya. At wala syang balak hiwalayan ito, anumang mangyari.
Ito ang araw na makikilala nila ang isa't isa. Lumipad papuntang Australia si Devon, at makikitira sya kasama ang pamilya ng mapapangasawa nya. Manananitili naman sa hotel ang magulang ni Devon. Dun na rin siya mag-aaral sa Australia ng isang taon, para daw makilala nya ang mapapangasawa nya at ang pamilya nito. Kasama rin nyang mag-aaral duon sa Australia ang dalawang kaibigan nyang sina Kyra at Lauren. Mayayaman rin ang mga ito at may property ang pamilya ni Lauren malapit sa titirhan niya. Nakarating na rin sila sa bahay ng mapapangasawa nya at ng pamilya nito. Pinaupo sila sa sala. Naunang bumaba ang isang babae. "Good afternoon," sabi ng babae at ngumiti ito. "I'm Carina. James' younger sister," sabi ng babae. "Hi," ang tanging nasabi ni Devon. Niyakap sya ni Carina. "It's nice to meet you. You're as pretty as I expected," sabi ni Carina. "Thank you," namumulang sabi ni Devon. Pinakilala nya ang mga magulang at kaibigan nya. Bumaba na sunod ang mga magulang nina Carina at James. "Good afternoon sir, mam," bati ni Devon. "You shouldn't call us sir and mam. You can call me aunt Maja or auntie for now. And after marriage, you can call me mama, if you're comfortable with that," sabi ng ina ni James. "Okay auntie," sabi ni Devon. "And you can call me Uncle John or uncle," sabi naman ng ama ni James. "Yes uncle," ang tanging nasambit ni Devon. "Shaina!" sabi ni Maja. "Antagal na natin hindi nagkita Maj," sabi ni Shaina. Kahit matagal ng hindi nagkita ang magkaibigan, halata pa rin ang aura ng pagkakaibigan sa dalawa.
At sa wakas, bumaba na rin si James. "Good afternoon uncle, auntie," bati ni James sa magulang ni Devon. At binati rin ng magulang ni Devon si James. "It's nice to finally meet you Devon," sabi ni James sa kanya, nakangiti. Lupapit ito at akmang bubulong sa tenga nya. "So you're the one who's going to ruin my life," bulong ni James kay Devon. Lumayo ito at ngumiti na parang wala syang masamang sinabi. Nanahimik na lang si Devon.
awwwwwwwww,.,. :(
ReplyDeletebaka kainin mo cnabi mo james
syeeettt!! kuya ko si James!! di ko kinaya.. xD
ReplyDeletekuya! my gawd! bakit ka ganyan kay ate Devon!! I heyt you!! tyet talaga! xD
nadadala na naman ako/.. haha
tama!...nxt chap nah!....
ReplyDeletewahh! bakit ka ganyan james! sama mo!!! edi sana di ka nalang pumayag!! tsk!
ReplyDeletewag na wag mo sasaktan si devon..
haha affected much lang ako